Bihira kami magkita kita na ng grupo, dahil iba iba na ang pinagtratrabahuhan namin. Sina Allan at Chu, Elyse ay naka-base na sa Singapore. (Dati rin si Noel, nag work sa Sing..)
Minsan umuwi ang mag-asawang Allan at Chu sa Pinas, eto na ang pagkakataon magkitakits kami. Inumpisahan ko na magtawag at nairaos naman at nagkasama sama kami. Napagkasunduan na magkita sa Power Plant.
Sinundo ako nina Sol at Noel sa opisina. Sa kotse pa lang, nag-umpisa na kaming magtawanan. Naalala ang mga nakaraan. Kung dati rati daw ay kinaantukan lang, eh ngayon ay masakit na ! Kung ano man ang ibig sabihin nun, kami kami na lang ang may alam. Pero may clue: tungkol sa amin ni Noel yun,
Makalipas ang ilang minuto, nasa Power Plant na kami. Yun lang, kailangan talaga na maligaw muna si Noel. Kami na ang ligawin. Isipin niyo na lang kung nasaang syllable ang accent nun.
Paikot ikot muna sa mall, habang iniintay ang iba.
At ayun na nga dumating na sina Allan, Chu na sinundo na lang din si Claire. Alangya, umpisa pa lang, tawanan na ng tawanan. Di pa kami nakain, busog na sa hangin. Lumang patawa ni Noel, natatawa pa rin kami... Baka naman dala lang ng pagka-miss namin sa isat-isa? kahit di na kami talaga natatawa ... hahaha. Yari, pikon si Noel. Pag nabasa nya ito, sisimangutan ako nun.
| sol, chu, allan, cha, claire |
Napagkwentuhan ang mga buhay buhay habang kumakain sa Burgoo. Biglang may itinuro si Chu sa bintana at kinawayan pa ! Artista daw na bading, akalain mo, siya lang ang may kakilala. Ewan ko ba dito kay Chu ...
Pero galante ang Chu, siya ang nagbayad ng dinner namin. Big time na eh ... hehehe. Andun naman si Allan, pero wala daw siyang credit card.
| cha, claire, noel, sol, chu, allan |
Pumunta na kami ng Starbucks, eh wala naman kaming no choice na iba eh. Dun, hinintay naman namin si Chris, ang asawa ni Clara, Wala pa rin tigil na kakatawa. Ewan ko na nga kung ano ang pinagtatawanan namin eh. Siempre dumating si Chris, dala ang camera na maganda, ayan nag-picturan kami sa Starbucks.
Eto picture namin ni Noel, in fairness, di ko alam kung maganda kami ni Noel o talagang maganda lang ang camera at pagkuha ni Chris !
| chacha and noel, the couple that never was |
Sabi ni Noel, gamitin na raw yung picture sa invitation. Ano kaya ang okasyon ? Hahaha.
si sol tumaba sa kakatawa. si chu im sure bumali sa bench para ibili si allan ng sexy brief. oo nga ganda ng kuha natin. ika nga "pwede..." hehehe. cri, lagi kang sumama sa amin ha. hehehe
TumugonBurahinkung ang tanong e "Pwede?", matunog ang aking kasagutang... Pwede Pwede... ayon. o ano pa hinihintay nyo? Larga na....
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahindi talaga uubra na di magkikita kita... eto ang mga kaibigang pinagtibay ng panahon... (parang alak lang ah..)...
TumugonBurahinme kulang sa uwi pag ganun...nakakatuwa naman tong blog mo...para lang akong nagbabasa ng komiks.. nakakatuwa naman balik balikan ang mga nakaraan.. hehehehehe.. ang ganda nga ng mga pics.. ang ganda ko in fairness.. ni photoshop kaya to? nawala ang pimples ko eh.... hehehehe.. I miss you mommy Cha! wish ko nga mahaba habang kwentuhan..daming kwento..di matatapos ang gabi... :-)