Sabado, Setyembre 3, 2011

My Belated Birthday Gift from Noel

Mahigit na isang buwan na nakalipas, kahapon lang ako nabilhan ni Noel ng birthday gift !  Hay naku ... At ganun na nga, nagkita kami ni Noel sa Podum Sabado ng hapon.  Nauna ang pagkain namin ng late lunch/early dinner sa Cafe Breton. Ano pa nga kinain namin ? eh di siempre crepe at gallete. Dun na rin ang panghimagas - Blueberry Parfait (sobrang dami ng crushed Graham, pero ang sarap ng Blueberry ice cream) at La Pinay.

Dahil kailangan mag-charge ng phone ni Noel, dun na lang kami nag-kape sa katabing Starbucks.  By the way, nilibre ako ni Noel ng kape !  (Siguro naka-raket at may extrang pera ... hahaha)

Oras na para sa regalo ko !  Di naman nagbago ang hiling ko, ang matching lingerie.  Naglakad kami papunta sa Megamall, dahil dun may La Senza.  Mahirap pag napakaraming pagpipilian.  Ang dami kong gusto, eh siempre mapapagalitan ako ni Noel kaya bago pa ako kumuha ng madami, eh pinigilan na ako.  Siempre dahil siya ang magbabayad. Gusto sana niya na makita muna na isuot ko bago niya bayaran daw.  Yun lang !

Finally, may napili na ako at binayaran naman ni Noel sa credit card niya.  Hahaha, utang pa pala yung panty at bra ko !

Dahil andun na rin kami sa mall, ayan nag-shopping na kami.  Nakabili ng bagong wallet ang Noel.  Pagkatapos ay nagpunta kami ng Watson's para sa mga anik-anik na bilihin.  By the way, may pareho kaming ugali na ni Noel na hindi na namin pinapalagay sa plastic bag ang mga binili.  Kung may paper bag na kaming dala, pinapasiksik na namin lahat dun.  Feeling namin nakakatulong kami sa environment. :)  Pero nababawasan ang marketing strategy ng ibang mga tindahan, kasi di na kami gumagamit ng plastic nila.

Bumalik na kami patawid ng Podium.  Parang exercise ko na rin, ang haba ng nilakad kasi eh.  Nag-reminisce tuloy ako ng Singapore ...

Pagabalik sa Podium, di ko matiis na di muna umupo.  Nag Cafe France muna kami at nag-hot chocolate ako, habang aliw na aliw si Noel sa bagong wallet niya na Fossil.  In fairness, maganda yung wallet, maganda ang leather. (ehem, ako ata ang pumili nun eh)

Marami kaming napapag-usapan ni Noel, buhay-buhay, relationships (and why we individually fail in ours..), lingerie, at siempre pati ang Lay Bare.  This leads me to write articles soon on Love, Lingerie and Lay Bare. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento