Hindi ko malilimutan ang lagkit ng iyong tingin
Sa unang pagkakataon na kita ay nakilala
Sadyang naiilang sa nararanasan
Ngunit maligaya
Hangad na makita ka at ito ay maulit muli
Kung saan mang lugar ay di na ko mapili
Paglalambing na walang katapusan
Aking pinapangarap
Kung hindi man ngayon, may bukas para tayo ay magkasama
Sa iyong paningin ako ay di na mawawala
Makakaasa na magmamahal
Magpakailanman
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento